Here’s a poem I wrote for my Filipino class~
For some reason I wanted to share it. So here it is
Hindi natin talaga inaasahan
Na tayong dalawa’y maging magkaibigan
Nakatutuwang minsan-minsa’y pagmasdan
Kung pa’no tayo laging nagtutulungan
Ito’y parang isang bihirang bulaklak
Sa mga bato-bato’y tumubo bigla
Ating pagkakaibigan ay namulaklak
Dahil sa binhi na marahang pinunla
Paghihirap—tayo ay nakararanas
Ihip ng hangin kahapon, ngayon, bukas
At kahit kung gaano pa ‘to kalakas
Nananatili—pagkakaibigang wagas
Palakasin ang isa’t isa, tayo ay natuto
“’Kaw pa, gawaing iya’y kayang kaya mo!”
Walang katumbas, pagkakaibigang ito
‘To sana’y tumagal pa, ‘yan ang hiling ko
I had fun making this. I hope you liked it.